Pangulong Marcos ayaw nang pag-usapan tungkol kay VP Sara

VP Sara denies plagiarizing book, says next story about 'betrayal' Vice President Sara Duterte attends a budget hearing for the Office of the Vice President on August 20, 2024.

MANILA, Philippines — Hindi na pinatulan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga banat ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya.

Sa pagbisita ng Pangulo sa mga labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, natanong siya tungkol sa pahayag ni VP Duterte na nais niyang ipahukay ang mga labi ng ama at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).

Sagot ni Pangulong Marcos, mas makakabu­ting hindi na magkomento.

“I’d rather not,” ma­iksing tugon ni Marcos.

Bukod dito, ayaw na rin pag-usapan ni Pangu­long Marcos nang tanungin kung ano ang lagay ng pagkakaibigan nila ni Duterte.

“Let’s talk about it some other time,” wika niya.

Kasama rin ng Pangulo na bumisita sa puntod ng dating Pangulo si First Lady Imelda Marcos.

Samantala, hangad naman ni Pangulong Marcos na maging mataimtim ang paggunita ng mga Filipino sa Undas.

Show comments