MANILA, Philippines — May isa o dalawang bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong Nobyembre.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration weather specialist Benison Estareja, kapag pumasok sa Philippine Area of responsibility ang 2 bagyo, tatawagin itong bagyong Marce at Nika.
Sinabi ni Estareja na papasok ito sa kategoryang typhoon o super typhoon.
Anya, kung pagbabasehan ang record simula noong 1948, karaniwang nagla-landfall ang bagyo tuwing buwan ng Nobyembre sa Luzon, Visayas hanggang sa Caraga region.
Matatandaang magkasunod na sinalanta ng bagyong Kristine at Leon ang bansa.
Nasa 150 katao ang nasawi dahil sa bagyong Kristine.