Lino Cayetano ‘di pinayagan ng Comelec na marehistro sa Ususan, Taguig

Former Taguig City representative director Lino Edgardo Cayetano arrives with his family to file his certificate of candidacy before the Comelec-NCR in San Juan City on October 3, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Commission on Elections-Taguig City Election Registration Board (ERB) ang pagnanais ni Lino Cayetano at maybahay na si Fille Cayetano na mairehistro sila bilang botante sa unang Distrito mula sa ikalawang Distrito ng Taguig City.

Sa 24-pahinang Resolusyon ng ERB, hindi tinanggap ang aplikasyon ng mag-asawang Cayetano na sila ay residente ng Pacific Residences, sa Barangay Ususan Taguig sa loob ng 2 taon at 5 buwan, na bahagi ng District 1.

Nilinaw ng ERB na bigong mapatunayan ng mag-asawa na sila ay nanirahan sa Pacific Residences sa loob ng panahong kanilang iginigiit.

Hindi naipaliwanag ng mag-asawa kung bakit hindi sila nagsumite ng karaniwang katibayan tulad ng identification cards na Philsys ID, Postal ID, Driver’s License, NBI Clearence, GSIS/SSS or UMID ID, o Barangay ID at tanging pasaporte na inisyu noong 2018 ang kay Fille at 2021 kay Lino, na parehong panahon na hindi pa sila residente ng Pacific Residences.

Wala ring saysay ang logbook record na isinumite dahil isang entry lamang ang nakatala na Oktubre 2024 sila pumasok.

Lumutang sa pagdinig ng ERB Punong Barangay ng Ususan na nagsabing wala siyang alam na tumira ang mag-asawa doon habang ang Kapitan ng Barangay Fort Bonifaco ay nagpatunay na maraming tirahan sa Bonifacio Global City, sa Taguig ang mag-asawa.

Batay sa rehistro ng 5 testigo ng oppositor, lumabas na walang Accord St. na ginamit ang residente ng Pacific residences, na ginagamit na address ng mag-asawa, na sa halip ay Almond st.

Dahil dito, hindi pasok sa domicile o residence ang mag-asawa na konteksto ang paglilipat ng bilang ng botante.

Gayunman, nilinaw ng ERB na ang Resolusyon ay hindi bumabawi sa karapatan ng mag-asawang Ca­yetano na bumoto sa eleksiyon. Ang tinanggihan lamang ay ang hiling nila na lumipat ng rehistrasyon sa Brgy. Ususan sapagkat hindi sila residente dito. Nananatili silang botante ng Brgy. Fort Bonifacio.

Show comments