Duterte ‘death squad’ iniimbestigahan na ng PNP

Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.

MANILA, Philippines — Bubusisiin ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y ‘death squad’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong umamin sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committtee.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, bagama’t binawi ni Duterte ang pagkakaroon ng Davao Death Squad, kailangan pa ring maimbestigahan ang mga pulis na umano’y mga miyembro nito.

“Doon po sa latest revelation, if you monitored po ‘yung statements ng ating dating pangulo, again with due respect sa ating dating pangulo, ay may mga sinasabi siya kini-claim niya na may death squad. Later on, binawi rin po niya,” Fajardo.

Sa pagdinig ng Senado sa war on drugs ni Duterte, tinukoy nito ang ilang mga dating PNP officials na miyembro ng death squad.

Sinabi ni Fajardo na inatasan na ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siyasatin mabuti ang pagkakasangkot ng mga dating pulis gayundin ang mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.

Ngunit kumambiyo si Duterte nang sabihin nito na hindi mga pulis ang miyembro ng death squad kundi mga gangsters.

Tiniyak naman ni Fajardo na walang “sacred cows” sakaling mapatunayang sangkot ang mga pulis sa death squad ni Duterte.

Dagdag pa ni Fajardo, maling gamitin ang mga pulis sa krimen. Tanging hangad ng PNP ang pagpapatupad ng batas at peace and order.

Show comments