Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati sa lider ng INC

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-69 na kaarawan ni Iglesia ni Cristo leader Eduardo Manalo.

Nagtungo si Marcos kasama si First Lady Liza Marcos sa INC Central sa Quezon City.

“Malugod na pagbati sa kaarawan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo! Sa araw na ito, nais kong ipahatid ang ­aming pasasalamat at ­paghanga sa inyong dedikasyon sa pamumuno at paggabay sa Iglesia ni Cristo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Umaasa rin si Marcos na patuloy na mabibiyaan ng lakas at karunungan si Manalo.

“Nawa’y patuloy kayong biyayaan ng lakas at karunungan upang magamit sa inyong patuloy na paglilingkod at pangunguna sa loob ng Iglesia,” pahayag ni ­Pangulong Marcos.

Ipagdiriwang ni Manalo ang kanyang kaaarawan ngayon, Oktubre 31.

“Mula sa aming pamilya, pinapana­langin namin ang patuloy na paglago ng inyong gawain at magandang adhikain para sa bayan at sa buong mundo,” dagdag ng Pangulo.

Show comments