TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

“This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga pondo ng pampublikong kalusugan ay dapat na gamitin lamang sa kalusugan at kagalingan ng mga Pilipino.

“We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people,” dagdag niya.

Ang utos ng Korte Suprema ay kasunod ng tatlong petisyon na nagsasaad na ang transfer ay magpapahina sa sektor ng kalusugan. Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting na habang pinipigilan ng TRO ang nasabing paglilipat, ang mga pondong na-transfer na sa Treasury ay hindi awtomatikong maibabalik. Nitong Oktubre, ang Department of Finance (DOF) ay naglipat na ng P60 bilyon, at isa pang tranche ang inaasahan sa Nobyembre.

Ang desisyon ng Korte Suprema, sabi ni Go, ay ayon sa kanyang patuloy na panawagan na pangalagaan ang mga pondong inilaan para sa pangangalagang pangkalusugan.

Show comments