^

Bansa

Koko ayaw nang padaluhin si Duterte sa susunod na hearing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil mistulang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging presiding officer sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa libu-libong extrajudicial killings (EJKs) sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon, ayaw na umano ni Sen. Koko Pimentel na dumalo pa si Duterte sa mga susunod na pagdinig.

“Huwag na muna. Let's give the airtime to the others kasi he has a way of dominating and monopolizing the time,” paliwanag ni Koko.

Samantala, pinuna ni Sen. Ronald ”Bato” dela Rosa si Pimentel sa hindi patas na pagtrato nito kay Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, tila binastos ng komite si Duterte dahil hindi ito binibigyan ng pagkakataong sumagot nang maayos.

”We invited the former President to listen to him. Sana kung magsalita siya, bigyan naman natin ng time dahil pumunta siya rito,” wika ni Bato.

Aniya, binigyan ni Pimentel, bilang presiding officer ng Blue Ribbon, ng pagkakataon ang ibang resource persons na malayang magsalita habang hinahayaan naman nito ang ibang senador na putulin ang sinasabi ni Duterte.

Hindi rin naitago ni Dela Rosa ang pagkadismaya sa pagpayag ni Pimentel na sumingit ang ibang senador habang siya’y nagtatanong sa dating Pangulo.

Samantala, tinawag naman ng netizens si Pimentel bilang “balimbing” dahil dati itong masugid na supporter ni Duterte bago tumalon sa minorya ng Senado.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with