^

Bansa

7 awards patunay ng mabuting pamamahala sa Marikina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang patunay ng kanilang mabuting pamamahala, nakamit ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang pitong parangal sa katatapos na Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG NCR) Urban Exemplar Awards Ceremony na ginanap sa Novotel Hotel sa Quezon City.

Kinilala ang lokal na pamahalaan sa iba't ibang larangan, kabilang ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit, Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT VAWC), at Peace and Order Performance Audit (POC). Nakamit din nito ang parangal bilang Highly Compliant sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, at Preservation Program (MBCRP)-LGU Compliant Assessment. Nakuha rin ng lungsod ang pagkilala bilang Ideal Level para sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Audit, Top Performer para sa Informal Settler Families (ISF) Cluster, at Top Performing LGU sa Regional Subaybayan Performance.

“Tayo’y nagpapasalamat sa DILG-NCR para sa mga pagkilalang ito. Ito’y patunay ng magandang bunga ng aming mga pagsisikap para sa mabuting pamamahala,” wika ni Mayor Marcy Teodoro.

“Ang mga award na ito ay magsisilbi bilang aming lakas para lalo pang pagsilbihan ang lahat at maihatid ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa niya. Para kay Rep. Maan Teodoro ng 1st District ng Marikina, ang mga parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon para sa lokal na gobyerno na higitan pa ang kanilang nagawang serbisyo at lalo pang pagbutihin ang mga inisyatibo para sa kapakanan ng mga residente.

“Mahusay na ang Marikina, mas lalo pa nating paghuhusayin ang paglilingkod,” sabi ni Rep. Teodoro, na nakikipag-ugnayan kay Mayor Teodoro sa pagbuo at pagpapatupad ng mga plano at programa para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Natanggap din ng Marikina ang Seal of Good Local Government mula sa DILG bilang pagkilala sa kanilang katapatan, kahusayan, at mga pagsisikap sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala. Ginawaran ang siyudad P2.3 milyong pondo bilang insentibo bilang isang SGLG awardee.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with