^

Bansa

Duterte, De Lima maghaharap ngayon sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte, De Lima maghaharap ngayon sa Senado
This Facebook post from Sept. 21, 2024 shows former President Rodrigo Duterte during the national assembly of the Partido Demokratiko Pilipino in Davao City.
Rodrigo Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Inaasahang maghaharap ngayong Lunes sa Senado sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Senator Leila de Lima.

Parehong inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee sina Duterte at De Lima  sa gagawing “moto propio inquiry” sa nangyaring giyera laban sa ilegal na droga noong nakaraang administrasyon.

Tiniyak ng kampo ni De Lima na sisipot ito sa pagdinig bilang isang resource person.

Matatandaan na isa si De Lima sa ipinakulong ng administrasyong Duterte at isinangkot sa ilegal na droga pero napatunayang walang kasalanan.

Bagaman at sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na sisipot din si Duterte, hindi naman tiyak kung sisipot nga ito.

Nauna rito, inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na tuloy ang imbestigasyon kahit pa hindi magpakita si Duterte.

Ayon kay Pimentel, ang pagdinig ng Senado ay magbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na tumugon sa mga pahayag ni retired Police Colonel Royina Garma.

Nauna nang sinabi ni Garma sa House Quad Comm na hiniling sa kanya ni Duterte na maghanap ng isang opisyal na magpapatupad ng Davao model drug war sa national level, isang sistema kung saan ang isang tao ay gagantimpalaan ng hanggang P1 milyon para sa pagpatay sa mga drug suspect.

DE LIMA

LEILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with