Plunder vs VP Sara iniumang sa Kamara

VP Sara denies plagiarizing book, says next story about 'betrayal' Vice President Sara Duterte attends a budget hearing for the Office of the Vice President on August 20, 2024.

MANILA, Philippines — Posibleng irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang paghahain ng plunder case laban kay Vice President Sara Duterte kapag nabigo itong mai-account ang P112.5 milyong confidential funds na ipina-encash nito bilang cash advances sa kaniyang malapit na aide sa panahon ng panunungkulan nito bilang Secretary ng Department of Education.

Sinabi ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., ito’y sa gitna na rin ng paghahanap ng kasagutan ng mga mambabatas sa kuwestiyonableng disbursement ng pondo na nadiskubre sa pagdinig nitong Oktubre 17 ng blue ribbon panel.

Ang nasabing pondo ay winithdraw sa pamamagitan ng tatlong magkakahiwalay na tseke na bawat isa ay nagkakahalaga ng P37.5 milyon na inisyu kay DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda.

“Pera ito ng taumbayan, at kailangan nating tiyakin na ito ay nagamit ng tama. Kung ang Bise Presidente, bilang pinuno ng DepEd noong panahong iyon, ay hindi makapagbigay ng malinaw at sapat na paliwanag kung paano ginamit ang perang ito, tungkulin namin na ituloy ang kinakailangang mga legal na hakbang, kabilang ang kasong plunder, upang maprotektahan ang interes ng publiko”, ayon kay Gonzales.

Inamin ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na ang tanging papel niya bilang Undersecretary for Finance ay limitado lamang sa pagpro-proseso ng disbursement funds.

Show comments