MANILA, Philippines — Paghupang-paghupa ng bagyong Kristine sa Bicol noong Sabado, kaagad na nagtungo sa Naga City si TV host at ngayo’y senatorial candidate Willie Revillame kasama ang Manila Teachers Partylist para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyo doon.
Personal na inabot ni Revillame ang P3 milyong tseke kay Angat Buhay Foundation Chairman at dating vice president Leni Robredo sa kanyang tanggapan.
Ayon sa TV host, “kasagsagan ng bagyo sa Bicol nang magdesisyon kami ng Manila Teachers Partylist na mag-ambag kami para sa mga kababayan natin sa Bicolandia”.
“Taga-Naga city po ang aking ina kaya malapit po sa puso ko ang Bicol”, dagdag pa ni Revillame na mas kilala sa pangalang “Kuya Wil” na nakilala dahil sa pagtulong sa mga mahihirap sa kanyang TV show.
Lubos naman ang pasasalamat ni dating VP Leni sa TV host at sa Manila Teachers Partylist sa kanilang donasyon.
Nangako naman si Revillame na tutulong sa lahat ng mga biktima ng kalamidad saan man sa Pilipinas.