Kung aaprubahan Mega Manila Taxi route
MANILA, Philippines — Aabutin ng hanggang P300 kada araw ang dagdag na kikitain ng isang taxi driver kung aaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyong gawing Mega Manila ang ruta ng mga NCR Taxi.
Ito ang paniwala ni Cristina Cruz, operator ng mga taxi kung bibigyang pansin ng LTFRB na maaprubahan ang petisyon ng Lawyers for Commuters and Protection (LCSP) na humihiling na mapalawak ang territorial route ng mga NCR Taxi sa ilalim ng panukalang Mega Manila route.
Sinabi ni Cruz na kung papayagan ang Mega Taxi route, wala ng huli sa mga NCR Taxi na maghahatid sa mga pasahero na ang destinasyon ay ang mga kalapit lalawigan tulad sa Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite at madaragdagan pa ang kita ng mga taxi driver laluna ngayong Undas na maraming uuwi sa mga probinsiya gayundin sa nalalapit na Kapaskuhan.
Anya, dapat tulungan ng pamahalaan ang kanilang hanay dahil unti-unti nang namamatay ang hanapbuhay ng mga taxi operator dahil sa pagpasok ng mga motorcycle taxi at iba pang APP passenger vehicles.