^

Bansa

Angat Buhay nagpasalamat sa 500 sako ng bigas mula kay Rep. Tulfo, ACT-CIS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Angat Buhay Foundation ni dating Vice Pres. Leni Robredo kay Rep. Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist sa pamamahagi nito ng 500 sako ng bigas para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol region.

Personal na tinanggap ni Sevi Sevilla ng Angat Buhay nitong Biyernes ang isang truck na may lamang 500 sako ng bigas (25 kilos per sack) mula sa mga kawani ni Rep. Tulfo at ACT-CIS partylist.

“Maraming salamat po, napakalaking tulong po nito sa mga nasalanta ng bagyo,” ani Sevilla kasabay ng pahayag na agad nilang ipararating ang mga bigas sa Bicol region para agad na magamit ng mga biktima ng bagyong Kristine.

Maging sa kanilang Facebook page ay pinasalamatan ng Angat Buhay Foundation si Rep. Tulfo at ACT-CIS partylist kabilang ang daan-daan pang mga grupo na nagpadala at nagbigay ng kanilang mga ambag para sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, aabot na sa 2,000 sako ng bigas at P1 milyong cash ang naipamahagi na ni Rep. Tulfo at ACT-CIS galing sa kanilang personal na budget para sa mga nasalanta ng bagyo.

vuukle comment

ACT-CIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with