MANILA, Philippines — Nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga evacution centers sa Bula,Camarines Sur para personal namamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Dala ng Pangulo ang pinansyal na ayuda na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Pinuntahan ko lang [po kayo] para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa inyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Bukod sa pinansyal na ayuda, nagpadala rin ang Pangulo ng dagdag na food packs.
Nangako naman si Pangulong Marcos sa mga biktima ng bagyo na hahanapan ng paraan ang napakalaking tubig na dumaan sa Bula na hindi gumagalaw ang tubig kaya hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha ang mga residente doon.
“Ngunit para sa ngayon ay asahan ninyo basta’t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si (DSWD) Secretary Rex (Gatchalian), nandito ‘yung mga ibang Cabinet secretary para marinig mula sa inyo kung ano ‘yung mga pangangailangan ninyo,” sabi pa ni Marcos.
Siniguro naman ng Pangulo na patuloy na aayudahan ng pamahalaan ang mga nasalanta ng bagyo hanggang makarekober ang mga ito.