^

Bansa

46 na patay sa bagsik ni ‘Kristine’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
46 na patay sa bagsik ni ‘Kristine’
Volunteers conducted rescue operations on October 25, 2024 after at least 14 residents were confirmed buried in a landslide in Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas on Thursday evening, triggered by Typhoon Kristine
Russell Palma

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 46 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang bilang ng mga nasawi ay mula sa Bicol Region, 28, na sinundan ng Calabarzon na may 15 habang tig-isa naman ang naitala mula sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

Nasa 20 katao naman ang nawawala habang pito ang nasugatan.

Patuloy namang sinusuong ng mga rescue workers ang mataas na tubig-baha upang mailigtas ang mga residente na na-trap sa mga bubungan ng bahay.

Libu-libo naman ang nawalan ng kanilang nga tirahan sa pagragasa ng baha sa loob ng dalawang araw na walang tigil na pag-ulan.

Ayon naman kay Philippine National Police-Bicol Region Office 5 Director PBGen. Andre Dizon, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong sa rehiyon kaya patuloy din ang kanilang pagkilos kung saan ang lahat ng kanyang mga pulis ay nakakalat na sa lugar.

Ani Dizon, isa sa mga problema sa pag-rescue ay ang kakulangan sa mga rubber boats upang maisakay ang mga mare-rescue at mailipat sa ligtas na lugar.

Samantala, sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na inihahanda na ang ?80.21 milyong halaga ng agricultural inputs na kinabibilangan ng mga binhi at biologics para sa livestocks na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon; Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.

Mayroon ding hanggang ?25,000 loan ang maaa­ring ialok sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Kaugnay nito, nakapagtala na ang DA ng ?80.80-milyong halaga ng pinsala ng agri sector kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine sa apat na rehiyon sa bansa. May katumbas itong nasa 1,570 ektarya ng sakahan at 2,864 na mga magsasaka.

Inaasahan naman ng DA na lalaki pa ang pinsala ng bagyong Kristine sa iba pang agri commodities sa bansa.

Sa report naman ng Department of Education (DepEd), nasa 37,375 paaralan ang apektado buhat sa 15 rehiyon.

Tumaas din ang bilang ng mga paaralan na nagsisilbi ngayong evacuation centers na nasa 352 habang ang mga binaha o natabunan ng gumuhong lupa ay nasa 144 na.

Umakyat na rin sa ?1.06-bilyon ang naitalang pinsala sa mga paaralan dulot ng bagyong Kristine.

Ayon sa record, nasa 322 rito ang “totally damaged” o tuluyang nasira habang 504 ang partially damaged o bahagyang nawasak.

Aabot naman sa mahigit 19 na milyong mag-aaral ang naapektuhan ng bagyo gayundin ang nasa 733,739 mga guro at non-teaching personnel.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with