Suplay ng petrolyo sa Bicol tutukan - Marcos

Photo shows a car buried by volcanic ash, which cascaded into a village in Guinobatan town.

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang ahensiya ng pamahalaan na tutukan ang supply ng produktong petrolyo sa Naga City at iba pang bahagi ng Bicol region na apektado ng bagyong Kristine.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo matapos iulat ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na hindi na nakararating ang supply ng produktong petrolyo sa Naga City.

Sagot naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na inatasan na niya ang Office of Civil Defense (OCD) na maghanap ng ruta patungo ng Bondoc Peninsula patungo sa Camarines Sur kung saan maaring madala ang fuel vehicles, fuel tankers at iba sa pamamagitan ng barko.

“So, there will be a shuttle – a food, water and fuel, sir, via crossing the Bondoc Peninsula, that body of sea to Pasacao,” ayon pa sa kalihim.

Ayon kay Taeodoro, bumiyahe na kahapon ang barko patungo sa Bondoc Peninsula.

Sinabi naman ni Marcos na siyam na bayan sa Cama­rines Sur ang lubog pa rin sa baha.

Show comments