Marcos nakiramay sa mga biktima ni ‘Kristine’

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng simpatya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Sinabi ng Pangulo na nagsusumikap ang pamahalaan para makahapaghatid ng tulong na kailangan 24 oras para sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng bagyo.

“I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims by Tropical Storm Kristine,” ayon sa Pangulo.

Binigyang halaga ni Pa­ngulong Marcos ang resilience at ipinakitang aktibong partisipasyon at aksyon ng mga lokal na pamahalaan para sa mga biktima ng bagyo.

Bilang first responders, ginawa aniya ng mga lokal na pamahalaan ang lahat ng paraan para makapagligtas ng buhay.

Sabi ni Marcos sa LGUs, na ang nararanasan ngayon ay halimbawa pa lamang ng epekto ng climate change.

Show comments