Listahan ng party-list nominees, inilabas ng Comelec

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang kumpletong listahan ng mga nominado ng mga party-list groups para sa 2025 national and local elections (NLE).

Nabatid na ipinaskil ito ng Comelec sa kanilang website kamakalawa ng gabi.

Ang pagpapaskil ng naturang listahan ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 11045, na nagsasaad na ipapaskil ng Comelec ang certificates of candidacy (COCs) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs) ng mga aspirante sa halalan sa kanilang website upang madaling makita ng publiko.

Mayroong 156 certified party-list organizations na lalahok sa 2025 NLE.

Matatandaang noong Hunyo, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na plano nilang ilat­hala ang COCs at CONAs sa kanilang website.

Show comments