^

Bansa

‘Kristine’ posibleng bumalik sa PAR; ‘Leon’ papasok

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Kristine’ posibleng bumalik sa PAR; ‘Leon’ papasok
Gamit ang bangka ay ginalugad ng rescuers ang Barangay Fugu sa Ilagan, Isabela para ilikas ang mga residente na na-stranded sa kanilang mga kabahayan. Ang sentro ng bagyong Kristine ay nag-landfall sa Divilacan, Isabela madaling araw ng Huwebes.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang pang weather­ disturbance ang na­mataan ng PAGASA sa silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Region na nagbabantang maging bagyo na tatawaging Leon.

Kaugnay nito, paglabas ng PAR ng bagyong Kristine ngayong Biyernes ng hapon, Okt. 25 ay posibleng magpaikot-ikot ito sa may West Philippine Sea at maaaring bumalik ng PAR sa araw ng Linggo o Lunes depende sa epekto dito ng LPA na nasa silangan ng Mindanao na inaasahang magiging tropical depression sa susunod na 24 oras.

Maaari rin umanong muling lumakas si “Kristine” habang nasa ibabaw ng WPS.

Alas-2 ng hapon kahapon, October 24, ang sentro ni Kristine ay namataan ng PAGASA sa coastal waters ng Santa Cruz, Ilocos Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 km bawat oras at pagbugso na 115 km bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang Signal number 3 sa Benguet, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Signal number 2 sa Metro Manila, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, western portion ng Batagas, Northern Portion ng Quezon sa Gene­ral Nakar, Infanta kasama na ang Polillo Islands at Lubang Islands gayundin sa Ilocos Norte, Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province at Aurora.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with