^

Bansa

Hagupit ni ‘Kristine’: 23 na patay, 2 milyong katao apektado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hagupit ni ‘Kristine’: 23 na patay, 2 milyong katao apektado
Rescue operations are underway in heavily flooded barangays in Naga City after heavy rains from Tropical Storm Kristine, Oct. 23.
Naga City via Facebook

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 23 katao ang naitalang patay, dalawa ang sugatan, siyam ang nawawala habang mahigit 2 mil­yong katao ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine na humagupit sa malaking bahagi ng bansa partikular na sa Bicol Region, ayon sa pinagsamang ulat ng pulisya at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, sa Bicol Region pa lamang ay nasa 20 na ang naitalang patay ng pulisya pero ito ay kailangan pang sumailalim sa balidasyon ng DILG Management of the Dead and Missing.

Kabilang sa mga nasawi ay pito sa Naga City, lima sa Catanduanes, apat sa Albay, tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate. Ang mga biktima ay nasawi sa pagkalunod, landslides at nabuwal na punong kahoy.

Una nang iniulat ng NDRRMC ang pagkamatay ng isang matandang babae na nalunod sa Quezon at isang taong gulang na batang nahulog sa kanal sa San Andres, Quezon. Gayundin ang isang nalunod sa Aringay, La Union.

Gayunman sa tala ng NDRRMC ay nasa 10 pa lamang ang nabeberipika na nasawi sa bagyong Kristine na nagdulot ng malawakang pagbaha partikular na sa Camarines Sur at Albay at patuloy pa aniya ang beripikasyon sa iba pang mga report.

Sinabi ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, dalawa rin ang naiulat na nawawala, isa rito ay sa Labo, Camarines Norte na naaksidente sa madulas na daan at isa sa Southern Leyte na nadaganan naman ng nabuwal na punong kahoy. Samantala ang siyam na mangingisdang nawawala ay mula sa La Union, Quezon, Camarines Sur, Masbate, at Pilar, Cebu.

Ayon sa NDRRMC, nasa 2,077,643 milyong katao naman ang naapektuhan ni Kristine kung saan 12, 334 ang inilikas sa mga evacuation centers.

Sa Bicol Region nasa 1,669,507 katao ang naapektuhan habang sa MIMAROPA ay 24,748. — Doris Franche, Angie dela Cruz

vuukle comment

KRISTINE

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with