‘Pagkaing de-lata sa evacuees i-phaseout na’
MANILA, Philippines — Ready meal na lamang tulad ng sa US military at i-phase out na ang mga pagkaing delata na ipinamamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa mga evacuation centers sa bansa.
Ito ang inirekomenda ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes na iginiit na nakakasuya umano ang mga pagkaing delata na mataas umano ang sodium at preserbatiba.
“Kaming mga senior citizens naabutan namin ‘yung panahon ng World War II at Post-War. Naaalala ko iyong MRE o “Meal, Ready to Eat” ng mga sundalong Amerikano. Hanggang ngayon meron pa ring MRE ang US armed forces”, ayon kay Ordanes.
“Inihahayag ko ito ngayon kasi puro mga delata ang kasama sa disaster food relief packs. Nakapagtataka na hanggang ngayon ang hindi pa ito bahagi ng ating disaster preparedness system”, anang solon.
Panahon na anya para i-modernisa ang laman ng mga packaging ng mga food relief packs at dapat na aniyang I-phaseout sa relief goods ang mga pagkaing de-lata ng disaster response team.
- Latest