Provincial evacuation centers, mahalaga sa panahon ng kalamidad

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng provincial evacuation centers sa panahon ng sakuna.

Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol, inihayag ni Tolentino na “mahalaga ang pagkakaroon ng provincial evacuation centers para mabigyan ang mga lokal na pamahalaan at rescuers ng karagdagang opsyon kung saan ligtas na madadala ang mga apektadong residente.”

Itinuturing ang Bicol bilang isa sa pinaka-’disaster prone’ na rehiyon ng bansa, dahil sa lokasyon nito na madalas daanan ng mga bagyo, gayundin sa presensya ng mga aktibong bulkan.

Kung kaya sa taunang badyet ay tinulak ni Tolentino ang konstruksyon ng provincial evacuation centers sa Camarines Norte (Vinzons), Camarines Sur (Pamplona), Sorsogon (Juban), Masbate (Pio V. Corpuz), at Catanduanes (Bagamanoc).

Dumaranas ng pinakamalubhang pagbaha ang rehiyon sa loob ng maraming taon matapos ang tuluy-tuloy na pag-ulan mula noong Martes dulot ni Kristine.

Show comments