Bong Go umayuda sa Manila scholars

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa magandang kinabukasan ng mga kabataan, ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang suporta sa mga iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila.

Bukod sa scholarship na itinaguyod ni Go sa pamamagitan ng Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED), ang kanyang Malasakit Team ay namahagi ng meryenda, kamiseta, at bitamina sa 82 scholars habang ang ilan ay binigyan ng basketball at volleyballs sa isang pagtitipon sa University of Perpetual Help System Dalta sa Las Piñas City.

Sa kanyang mensahe sa mga iskolar, binigyang-diin ni Go, chairperson ng Se­nate youth committee, ang kahalagahan ng edukasyon at hinikayat ang mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti dahil kinakatawan nila ang kinabukasan ng bansa.

Sa pagpapaalala sa mga iskolar na ga­wing pangunahing prayoridad ang kalusugan, hinimok sila ng senador na pumasok sa sports, at lumayo sa iligal na droga upang manatiling malusog.

Show comments