Ex-KOJC member idinetalye dinanas na sexual abuse kay Quiboloy

The Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 has granted the request of the Senate committee on women, children, family relations and gender equality to allow Quiboloy to attend a Senate hearing today.

MANILA, Philippines — Personal na nagharap kahapon sa pagdinig ng Senado sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at ilan sa mga nag-aakusa sa kanya ng iba’t ibang krimen kabilang ang sexual abuse.

Unang pinakinggan ng komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ang magkakahiwalay na testimonya ng tatlong babae na nagsabing seksuwal silang inabuso ni Quiboloy kabilang ang isang Ukrainian national na nagngangalang Yulya Voronina.

Ayon kay Voronina, 10 silang Ukrainian na naging miyembro ng KOJC at tumira sa compound ni Quiboloy sa Davao. Nagbigay ng testimonya si Voronina sa pamamagitan ng video conferencing.

Itinuro ni Voronina si Jackielyn Roy na kanyang ­“groomer” o naghanda sa kanya para makabilang sa mga babaeng nagkaroon ng sekswal na relasyon kay Quiboloy.

Ayon naman kay Teresita Valdehueza, naging miyembro siya ng simbahan ni Quiboloy noong 17 taong gulang pa lamang siya noong 1980.

“In 1988, I made the difficult decision to dedicate my life to his ministry, driven by the belief that true fulfillment and salvation lay in serving God fully,” ani Valdehueza.

Isa siya sa “pioneering group” at ang tingin niya noon kay Quiboloy ay totoong anak ng Diyos.

Nangyari ang sexual abuse noong 1993 nang papuntahin siya sa Cebu City kung saan nangaral ang pastor. Habang nasa Park Place Hotel sa Fuente Osmeña, sinabihan umano siya ni Quiboloy na tabi na silang matulog dahil compatible sila at pareho ang kulay ng suot nilang damit.

“Sleeping beside a man I believed to be chosen by God was for me then a great privilege and an opportunity for a sinner like me…but what followed shattered my sense of faith and trust. Without a word, after turning off the light, he embraced me, undressed me, and violated me with his lustful act that left me in shock and speechless,” salaysay ni Valdehueza.

Noong Pebrero 15, 1998 ay muli umanong “ginamit” ni Quiboloy si Valdehueza na dahil umano sa takot ay sumusunod siya.

Sinabi rin ni Valdehueza na naranasan niya ang maparusahan sa pamamagitan ng fasting o hindi pagkain ng matagal na panahon.

Noong Setyembre 13, 1999 umalis sa KOJC si Valdehueza at hindi ito nagpaalam kay Quiboloy.

Show comments