Klase, trabaho sa gobyerno suspindido sa Okt. 31 - Palasyo

According to PAGASA's 11 AM weather bulletin, #KristinePH slightly accelerates while maintaining its strength over the sea East of Aurora.

MANILA, Philippines — Sinuspinde na ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Oktubre 31, araw ng Huwebes.

Sa memorandum circular no. 67 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, mula alas-12 ng tanghali ng Oktubre 31 ay suspendido na ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas.

Ang hakbang na ito ay para aniya mabigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na gunitain ang All Saint’s Day at All Souls Day sa Nobyembre 1.

Gayundin para makabiyahe sa iba’t ibang rehiyon para sa Undas at maisulong ang lokal na turismo.

Habang magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensiya na naghahatid ng basic at health services, disaster response at iba pang mahalalagang serbisyo.

Ipinauubaya naman ng Palasyo sang suspensyon ng trabaho sa pribadong kompanya sa kani-kanilang ma­nagement kung magdedeklara rin sila ng walang pasok sa Oktubre 31.

Show comments