MANILA, Philippines — Inakala ni Senador Koko Pimentel na deep fake ang video ni Vice President Sara Duterte na binabatikos si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Pimentel, nagulat siya sa mga sinabi ni Duterte sa video kaya inisip niyana ito’y deep fake, ngunit nang tumagal ay nalaman niya na ito’y totoo pala.
Sa video, sinabi ni Duterte na pinagbantaan niya si Senadora Imee Marcos na huhukayin ang katawan ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.
Naisip din daw ni Duterte na pinupugutan niya ng ulo si Pangulong Bongbong Marcos habang nasa isang seremonya.
“Hindi siya usual eh. ‘Yung mga nasabi niya,” wika ng Senador.
Pinayuhan ni Pimentel ang Bise Presidente na makipag-usap sa isang professional o sa malalapit na kaibigan at pamilya para mailabas niya ang kanyang saloobin.
Sa tingin ko, she needs to talk to some professionals and maybe some close friends and family para mailabas na yung mga nasa damdamin at nasa isip niya,” sabi ni Pimentel.