MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong Kristine at isa na itong tropical storm.
Ayon sa PAGASA, ganap na alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ni Kristine ay nasa layong 335 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 km bawat oras at pagbugso na umaabot sa 80 km bawat oras.
Bunsod nito, nakataas ang signal number sa Catanduanes habang signal number 1 sa Luzon: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon including Pollilo Islands, Masbate including Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Romblon, at, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon.
Signal number 1 din sa Visayas sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte gayundin sa Mindanao sa Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama na ang Siargao - Bucas Grande Group.
Malakas ang bugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Palawan, Romblon, Aklan, Antique, Negros Island Region, Central Visayas, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Sarangani, Davao del Sur, at Davao Oriental.
Ngayong Miyerkules ng gabi o sa umaga ng Huwebes, Octuber 24, inaasahang kikilos si Kristine pahilagang kanluran at magla-landfall sa Isabela o northern Aurora. Tatawid ang bagyo sa may bulubunduking lugar sa Northern Luzon at dadaan sa may karagatan ng kanlurang bahagi ng Ilocos Region.
Bago mag-landfall, si Kristine ay lalakas pa at bahagyang hihina naman oras na dumaan sa Northern Luzon.
Aabutin ni bagyong Kristine ang typhoon category bago lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes, Oktubre 25.