DILG: Bilang ng PNP generals bawasan

National Capital Region Police Office chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. and Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Redrico Maranan led the ceremonial send-off of troops from the Philippine National Police, Bureau of Fire and Protection, Philippine Coast Guard, and other government agencies at the QCPD headquarters inside Camp Karingal in Quezon City on July 19, 2024 in preparation for the third State of the Nation Address of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on July 22, 2024.

MANILA, Philippines — Inirekomenda ni Justice Secretary John Victor Remulla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang bilang ng mga heneral sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Remulla na ang kanyang rekomendasyon sa Pangulo ay ginawa sa kanilang sectoral meeting kahapon.

Ayon kay Remula, sa ngayon ay nasa 133 ge­neral ang PNP at balak niya itong gawin na lamang 25, dahil karamihan aniya sa mga heneral ngayon ay walang mga taong hinahawakan.

Dapat na rin aniyang bisitahin ang 32 year old na batas o ang civil service law kung saan kada tatlong taon ang promotions kaya dumarami ang bilang ng mga heneral dahil marami rin provincial directors ng PNP ang napo-promote.

Sa halip na kada tatlong taon ay nais ng kalihim na gawing kada limang taon ang promotions para maging heneral.

Iginiit din ni Remulla na prayoridad ng kanyang liderato ang nasabing rekomendasyon kay Pangulong Marcos.

Umaasa naman ang kalihim na hindi magkakaroon ng demoralisasyon sa hanay ng mga heneral.

“They are soldiers following orders,” ayon pa kay Remulla.

Show comments