VP Sara kumasa sa televised psycho test

MANILA, Philippines — Kinasahan ni Vice President Sara Duterte ang hamon sa kanya ng ilang mambabatas na sumailalim sa isang neuropsychiatric exam.

Ayon kay VP Sara, handa siyang sumailalim sa naturang pagsusuri sa lalong madaling panahon, kahit televised pa ito.

“Wala akong problema doon. Game tayo. I will call that—neuropsychiatric exam,” ayon pa sa bise presidente, sa isang ambush interview.

Bukod sa neuropsychiatric exam, handa rin umano siyang sumalang sa drug test.

Gayunman, hinamon niya ang lahat ng aspirante na nag-aasam na makakuha ng puwesto sa House of Representatives na sumailalim din sa drug test.

“As a voter I demand, magpa-drug test sila. Kayong lahat mga kababayan, you demand na mag-drug test ang mga congressional candidate dahil kung unstable ako, sa paningin ko, unstable rin sila,” aniya pa.

Show comments