MANILA, Philippines — Pormal nang pinadalhan ng imbitasyon ng House Quad Committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Oktubre 22 sa pagdinig hinggil sa extra judicial killings (EJK) sa kanyang war on drugs.
“Please be informed that the Joint Committee will hold a public hearing in connection with its inquiry, in aid of legislation, on the date, time, and place indicated,” ayon sa imbitasyon na ipinadala ni Quad Comm Chairman Robert Ace Barbers sa tahanan ni Duterte sa Doña Luisa Subd. sa Matina, Davao City.
“In this regard, the Joint Committee respectfully invites you to attend the said inquiry to provide valuable insights and shed light on the issues under discussion particularly on extra-judicial killings,” ayon kay Barbers.
Nauna nang sinabi ni Duterte na handa siyang dumalo sa mga quad committee hearing sa EJK.
“Hindi ako aatras diyan. Sasagutin ko silang lahat at marami akong sasabihin sa taumbayan,” pahayag ni Duterte noong Huwebes.
Tiniyak naman ng Quad Comm na tatratuhin na may respeto ang dating Pangulo kapag humarap na ito sa pagdinig.