^

Bansa

Senate blue ribbon ­mag-iimbestiga sa Duterte drug war

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senate blue ribbon ­mag-iimbestiga sa Duterte drug war
Senate President Chiz Escudero leads the opening of the third regular session of the 19th Congress on July 22, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pangungunahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Linggo, Oktubre 20.

Sinabi ni Escudero na nakahanda si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na mamuno sa Senate subcommittee probe.

Ipinaliwanag ni Escudero na ang Senate Committee on Public ­Accountability and Investigations (blue ribbon) ang napiling manguna sa pagdinig dahil maaari itong magsagawa ng motu proprio investigation habang naka-recess pa ang Kongreso.

Una nang sinabi ni Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa na maglulunsad siya ng motu proprio investigation sa war on drugs ng Duterte administration at sinabing iimbitahan ang dating pangulo sa imbestigasyon.

Gayunman sinabi ni Escudero na mas mabuti para kay Dela Rosa, na siyang punong tagapagpatupad ng tinaguriang “Oplan Tokhang” at bilang hepe ng PNP noong administrasyong Duterte, na huwag pangunahan ang imbestigasyon para maiwasan ang anumang alegasyon.

ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with