‘Unahin natin ang mahihirap’ - Bong Go

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng mangingisda sa lipunan kaya nanawagan siya na tiyaking matatanggap ng mahihirap na Pilipino ang kinakailangang suporta na kailangan nila para malampasan ang mga hamon sa ekonomiya.

Sa kanyang personal na pagbisita sa Lupon, Davao Oriental, hinimok ng senador ang mga lokal na lider na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap, lalo na ang mga kabuhayan ay direktang nakaangkla sa likas na yaman, tulad ng masisipag na mangingisda ng bayan.

Idinaos sa Barangay Poblacion Gymnasium, namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng mga grocery packs, kamiseta, bitamina, masks, at meryenda sa 1,500 mahihirap na residente, kabilang ang maraming lokal na mangingisda.

Upang higit na matulungan sila, ang mga piling benepisyaryo ay tumanggap ng mga bisikleta, sapatos, at mobile phone.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno, upang makaagapay sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Sinamantala rin ni Go ang pagkakataon na talakayin ang mga isinusulong niyang batas na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga mangingisda at mga komunidad sa kanayunan.

Show comments