Duterte: Walang drug war reward system

Former president Rodrigo Duterte filed his certificate of candidacy for Davao City mayor on Oct. 7, 2024.
Rody Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte na may reward system na ipinatupad ang kanyang administrasyon kontra sa ilegal na droga.

Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na tanging pabuya lang na pagkain at pagbati ang ibinibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ang kanilang misyon.

Giit ng dating pangulo, hindi rin niya kailanman inutusan ang kapulisan na pumatay ng sinuman.

Matatandaan na ibinunyag sa pagdinig ng House Quad Committee ng malapit kay Duterte na si dating retired police Col. Royina Garma na mayroong cash reward na binabayaran sa bawat pagpatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte na mula P20,000 hanggang P1 milyon.

Base sa rekord ng pulisya, umabot sa 6,000 ang drug personalities sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Show comments