VP Sara nagbanta: Huhukayin, itatapon labi ni Marcos Sr. sa West Philippines Sea

VP Sara denies plagiarizing book, says next story about 'betrayal' Vice President Sara Duterte attends a budget hearing for the Office of the Vice President on August 20, 2024.
Facebook / Senate of the Philippines

MANILA, Philippines —  Sinumbatan ni Vice President Sara Duterte ang pamilya Marcos nang ung­katin ang naging babala umano niya kay Senator Imee Marcos na siya mismo ang huhukay sa labi ni da­ting Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea kung hindi siya titigilan sa mga political attacks.

Matatandaang si dating Pang. Rodrigo Duterte ang nagpasiya na mailagak sa Libingan ng mga Bayani si Marcos Sr. noong 2016.

“Isang beses sinabihan ko talaga si Sen. Imee, sabi ko pag di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay nyo, itatapon ko sya sa West Philippine Sea. One of these days pupunta ako don, kukunin ko yang katawan ng tatay nyo, tapon ko yan don sa West Philippine Sea,” pahayag ni VP sara sa pulong-balitaan kahapon.

“I don’t think sumagot sya. Nandon pa yon sa group chat, merong mga nakakita na ibang tao,” aniya pa.

Aniya, isang “PR attack” ang ginagawa sa kaniya sa ginagawang pag-iimbestiga ng Kamara sa confidential funds.

Ibinilin pa niya sa mga mamamahayag na sabihan si PBBM na kung makikita na huwag nang babanggitin ang kaniyang pangalan at tumahimik na lang.

“Pwede ba ‘pag nakita niyo siya (Marcos), sabihin niyo sa kanya, ‘Alam mo, don’t ever mention her name’... Pwede naman si­guro tumahimik na lang,” aniya pa.

Show comments