MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng isa pang opisyal ng Department Education (DepEd) na si Atty. Resty Osias na nakatanggap siya ng apat na envelope mula Abril hanggang Setyembre ng 2023 sa ilalim ni Vice Pres. Sara Duterte noong kalihim pa ito ng Kagawaran.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Kamara, inamin ni Osias na nakatanggap siya ng 4 na envelopes na naglalaman ng P12,000 hanggang P15,000 cash sa 4 na magkakahiwalay na okasyon noong 2023.
Inakala aniya niyang common practice lamang sa ahensiya ang natanggap umanong sobre mula kay VP Sara sa pamamagitan ni dating DepEd ASec. Sunshine Fajarda mula Abril hanggang Setyembre 2023.
“I must say I did, but I didn’t know because I was new in the department, I thought it was a practice of the department. I didn’t know why I was summoned to the office of Asec Shine and then I was given an envelope and it was later on I found out that there was money in it but it was not because I was a BAC member or whatever yet because I was not at that time,” ani Osias.
Si Osia ay dating chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) ng DepEd.
Binigyan diin naman ni Manila 2nd district Rep. Rolando Valeriano na natigil ang pagbibigay ng cash envelopes para kay Osias noong Setyembre 2023 kung saan kinukwestiyon na ang confidential fund ni VP Sara sa Kamara.
Matatandaan na sa naunang pagdinig ng komite ay isiniwalat ni dating Education Undersecretary Gloria Jumamil Mercado na siyang head of procuring entity o HOPE na nakatanggap siya ng siyam na envelope na may tig-?50,000 na laman noong 2023.
Binuksan lamang ni Mercado ang sobre nang magretiro ito. May kabuuang ?450,000 na kanyang dinonate sa isang non-government organization.