AFP certifications ginamit sa P15 milyong confi funds ng DepEd

MANILA, Philippines — Ginamit umano ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte ang certifications mula sa ilang military officials upang i-justify ang disbursement ng P15 milyon confidential funds noong 2023.

Ito ang lumabas sa pagtatanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa mga opisyal at retiradong opisyal ng AFP kaugnay ng inilabas nitong sertipikasyon na ginamit ng DepEd sa liquidation ng P15 milyong confidential fund nito.

Ayon kina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio ang sertipikasyon ay kaugnay ng Youth Leadership Summits (YLS) na isinagawa noong 2023.

Itinanggi ng apat na nakatanggap sila ng pondo mula sa DepEd para sa YLS. Kinumpirma naman ito ni retired Gen. Nolasco Mempin na noon ay isang DepEd Undersecretary.

Ani Mempin, inatasan siya ng tanggapan ng DepEd na humingi ng certification mula sa mga ito at walang inilabas na pondo.

Hindi rin umano alam ni Mempin ang tungkol sa pondo dahil koordinasyon lamang sa mga opisyal ang inutos sa kanya.

Sina Mempin, Boransing, Panopio, at Sangdaan ay magkaklase sa Philippine Military Aca­demy.

Show comments