^

Bansa

Harry Roque nagtatago sa Mindanao, manhunt ikinasa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinasa na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang manhunt operation laban kay dating spokesperson Harry Roque Mindanao kasunod ng ulat na nagtatago ito sa nabanggit na rehiyon.

Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, nakatanggap sila ng report na sa Mindanao nagtatago si Roque dahil marami itong kaibigan sa lugar.

Gayunman, pinaalalahanan ni Fajardo ang mga nagkakanlong kay Roque na posibleng makasuhan ng obstruction of justice dahil sa pagtatago ng wanted na indibiduwal.

Una nang tinungo ng PNP ang Central Luzon at Calabarzon subalit hindi natagpuan si Roque.

Naniniwala si Fajardo na nasa bansa pa rin si Roque batay sa record ng Bureau of Immigration (BI) bagama’t nakaalis na ng bansa noong Setyembre 3 ang misis nitong si Mylah na dating miyembro ng Board of Trustees ng Home Development Fund (Pag-Ibig).

Naglabas ng arrest order ang Quad Committee laban sa mag-asawang Roque matapos na hindi siputin ang pagdinig kaugnay ng imbestigasyon sa operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with