^

Bansa

Tulfo pinasalamatan ni Leni sa maagap na pag-accredit sa Angat Buhay ng DSWD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tulfo pinasalamatan ni Leni sa maagap na pag-accredit sa Angat Buhay ng DSWD
Rep. Tulfo at Leni Robredo
STAR/File

MANILA, Philippines — Labis ang pasasalamat ni dating Vice President Leni Robredo kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, na noo’y kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dahil sa maagap na pag-accredit ng Angat Buhay Foundation ng kanilang grupo.

Ipinaabot ni Mrs. Robredo ang pasasalamat nang magkita sila ni Cong. Tulfo sa isang restaurant sa Naga City.

“Thank you for the speedy approval of the accreditation of our foundation before kahit na we were considered the opposition,” anang dating bise presidente.

Tugon naman ni Tulfo na kasalukuyang House Deputy Majority leader, “Naku, ma’am, mahigpit na bilin ni Pang. Marcos, walang titingnang kulay ang DSWD sa pagtulong hanggang ngayon.”

“Instruction kasi ni PBBM sa lahat ng kalihim niya na tulungan ang sinumang lalapit sa gobyerno kahit nasa oposisyon pa ito,” dagdag pa ni Cong. Tulfo.

Inamin din ni Gng. Robredo kay Tulfo na wala na itong interes tumakbo sa national position sa dara­ting na halalan kundi bilang mayor na lang ng Naga City.

ERWIN TULFO

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with