^

Bansa

Duterte ipapatawag din ng Senado sa imbestigasyon sa ‘drug war’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte ipapatawag din ng Senado sa imbestigasyon sa �drug war�
Dating Pangulong Rodrigo Duterte
STAR / File

MANILA, Philippines — Ipapatawag ng Senado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling simulan ang imbestigasyon ng “war on drugs” noong kanyang administrasyon.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, kahit pa naka-break ang sesyon ng Kongreso ay magsasagawa sila ng “moto propio” investigation kaugnay sa mga alegasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat malinawan ang alegasyon ni Garma na pagbibigay ng reward sa sinumang pulis na makakapatay ng umano’y drug lord o drug addict.

Inihayag din ni Dela Rosa na hindi pa niya personal na nakakausap ang dating Pangulo pero malaki aniya ang posibilidad na humarap ito sa imbestigasyon ng Senado.

Nilinaw ni Dela Rosa na hindi nila layong kontrahin ang imbestigasyon ng quad committee ng House of Representatives sa gagawing parallel investigation.

“Ipapatawag natin siya pati kung sinu-sino ang mga cabinet members nya noon na puwedeng maging resource persons…malaki ang posibilidad na mag-attend siya kung kami ang mag-iimbita. Mas komportable siya dito sa Senado kaysa sa Lower House,” ani Dela Rosa.

Wala namang impormasyon si Dela Rosa sa mga alegasyong nagamit ng Duterte administration ang intelligence fund bilang reward sa mga pulis.

Tiniyak din ni Dela Rosa na noong siya pa ang pinuno ng PNP, ginamit nila ang intelligence funds sa intelligence operations.

May bahagi rin aniya ng intel funds ang ginamit bilang reward sa mga nagbibigay ng impormasyon laban sa mga wanted sa batas ang may mga patong sa ulo gaya ng mga teroristang Abu Sayyaf sa ilalim ng programang inaprubahan ng Department of Imterior and Local Government.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with