Pinoy, Pakistani wagi sa ADCC fight sa Alabang

Si Legaspi mula sa Team Frabrico ang nakakuha ng gold award habang si Ali na pambato ng Carpe Diem Manila ay nakapag-uwi ng silver medal matapos ang “won by submission” sa katergoryang Mens Open Weight/Open weight Professional/Open Weight (Master 1).

MANILA, Philippines — Nagwagi muli ang isang Pakistani MMA (Mixed Martial Arts) at Jiu-Jitsu fighter na si Asghar Ali (Asgher Ali Changezi) habang nagpamalas din ng kanyang husay at expertise sa grappling ang Pinoy blackbelter na si Jerry Legaspi, sa ginanap na ADCC Submission Fighting World Fede­ration sa Ayala Malls, Makati noong Oktubre 6.

Si Legaspi mula sa Team Frabrico ang nakakuha ng gold award habang si Ali na pambato ng Carpe Diem Manila ay nakapag-uwi ng silver medal matapos ang “won by submission” sa katergoryang Mens Open Weight/Open weight Professional/Open Weight (Master 1).

Naglaban sina Legaspi at Ali sa “finals” kung saan pinalad na manalo ang nasabing Pinoy.

Nanalo naman si Ali laban kay Brazi­lian blackbelter Alfonso Celso Dos Santos Silva Jr. ng Showfight Dream Team sa kanilang huling round kaya naiuwi ng Brazilian fighter ang tansong medalya, habang “silver” kay Ali.

Show comments