National Meat Inspection Service, palakasin

Pork products are on display for sale in Marikina Public Market on August 13, 2024.
Walter Bollozos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ng malawakang suporta para sa National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA) para siguruhin ang kaligtasan at kalidad ng mga produktong karne ng bansa.

Sa paggunita sa 31st Meat Safety Consciousness Week na ginanap sa Quezon City, iginiit din ni Tolentino ang pagpapalakas sa NMIS sa harap ng mga seryosong ha­mon, gaya ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF), at paghina ng lokal na produksyon.

Sa kanyang talumpati sa mga opisyal at lider sa sektor ng agriktultura, inihalimbawa ng senador ang mahuhusay na meat inspection systems ng Chile at Argentina, na nagbigay-daan para manguna ang mga ito bilang meat producers at exporters.

Dagdag nya, susi ang pagpapalakas sa NMIS para ang Pilipinas ay makalikha rin ng ligtas at de-kalidad na karne, gaya ng baboy, manok, at baka.

Pero batid ng senador ang mga isyung kinakaharap ng NMIS, kung kaya’t inisa-isa nya ang mga posibleng hakbang para maiangat ang kalidad at produksyon ng bansa.

Bukod sa DOH at DOST, dapat din umanong tulungan ang NMIS ng Department of Trade and Industry (DTI), Presidential Communications Office (PCO), at Department of Budget and Management (DBM) para mapabuti ang mga sistema at kampanya nito.

Magugunita na una nang nanawagan si Tolentino sa gobyerno na magdeklara ng state of calamity para masawata ang pagkalat ng ASF, na lubhang nagpadapa sa produksyon ng lokal na hog raisers.

Show comments