^

Bansa

BFP nakakuha ng unmodified opinion bilang outstanding rating mula sa COA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang Bureau of Fire Protection (BFP) na patuloy itong tatanggap ng unmodified opinion mula sa Commissioin on Audit (COA) para sa fiscal year 2023 bilang pagsunod sa Seksyon 43 ng Government Auditing Code of the Philippines (Presidential Decree No. 1445).

Sinabi nito, inaasahan ng BFP na maglalabas ng karagdagang budget ang Congress para sa ­modernization program ng bureau ngayong taon, may karagdagang P4.5 Billion ang ahensya na pambili ng mga makabagong kagamitan para isulong ang ­modernization program nito para sa taong 2024.

Sa huling pagdinig ng Kongreso para sa budget ng BFP, inaasahang tataas ang budget ng ahensya para sa bureau of fire para sa taong 2025.

Ayon kay Miriam M. Villanueva, Director IV ng Commission on Audit (COA), ang audit ay isinagawa sa BFP bilang pagsunod sa mandato ng batas, rules and regulations at para ipatupad ang pantay na probisyon ng financial statements at ipatupad ang audit recommendation.

Batay sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng impresibong score na 93 percent, na nakakuha ng outstanding rating kumpara sa inisyal nitong Financial Performance ­Rating report at walang iregularidad sa mga pagsisikap ng BFP para gawing moderno ang mga pamamaraan at programa nito sa pagtugon sa sakuna at sunog.

Ayon sa  BFP, dahil sa modernization program, nakayanan ng ahensya ang mga makabagong hamon ng panahon kabilang na ang pagdami ng mga fire truck ng BFP, mga ambulansya at kagamitan ng bureau of fire para tumugon sa mga emergency.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with