^

Bansa

Bong Revilla: Track-record gawing basehan sa pagboto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bong Revilla: Track-record gawing basehan sa pagboto
Senators Bong Revilla on February 26, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Umaasa si Senator Ramon “Bong Revilla Jr. na masusing titignan ng mga Pilipinong botante ang kanyang magandang track-record sa loob ng 18 taon na paglilingkod bilang senador.

Si Revilla, na naghain kamakailan ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec sa ilalim ng Lakas-CMD, ay bahagi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Senate Slate ni Pangulong Bongbong Marcos.

“Hangad kong muling ipaglaban at tindigan ang kapakanan ng bawat ordinaryong Pilipino,” ani Revilla, na sa loob ng nakalipas na 30 na taon ay miyembro ng iisang partido, ang Lakas-CMD.

Si Revilla ay naging instrumento sa pagpasa ng mara­ming kapaki-pakinabang na batas na nagbibigay ng direktang benepisyo sa maraming Pilipino hanggang ngayon.

Kabilang sa mga nasabing batas ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act”, Expanded Coverage of Centenarians Act, “No Permit, No Exam Prohibition Act”, “Free College Entrance Examinations Act”, Pagbibigay ng Night Shift Differential Pay sa mga Empleyado ng Gobyerno, at “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act”.

Si Revilla rin ang may-akda ng batas na nagbibigay para sa “legitimation” ng mga batang ipinanganak sa labas ng kasal at ang motorcycle helmet act, at marami pang iba.

Siya din ay nakapagtala ng perfect attendance, at nakapaghain ng 1,979 panukalang batas at resolusyon, 339 dito ang naisabatas.

Plano naman ng senador sa kanyang ika-apat na termino sa Senado na ipagpatuloy ang pagtataguyod ng hustisyang panlipunan, kapakanan ng mga manggagawa, seguridad sa pagkain, pampublikong imprastraktura, at benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno.

Nakatakdang isagawa ang paparating na midterm election sa Mayo 12, 2025 kung saan 12 senador ang ihahalal.

vuukle comment

RAMON “BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with