POGO hub may ‘live kalaswaan’ – PAOCC

MANILA, Philippines — Hindi lang mga fam scam o panloloko ang pinagkakitaan at nangyayari sa loob ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga kundi maging ang “live kalaswaan”.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nasaksihan umano ito ng kanilang hawak na testigo.

Batay sa testimonya ng saksi, nakita niya kung paano bini-video ang pagtatalik at ibinebenta ang live stream sa ni-raid na Lucky South 99 POGO hub sa Porac.

Idinadaan sa bidding ang video sa iba’t ibang dayuhan na kanilang kliyente.

Ito rin ang nagpapatunay na may ugnayan ang naaresto at tinaguriang Godfather ng POGO na si Lin Xuhan at si dating Bamban mayor Alice Guo.

Si Lin Xunhan ay may alyas Lyn Dong, Hao Hao at Boss Boga habang si Guo ay may alyas Madam Wah. Nakikita rin niyang nag-aabot si Lyn Dong ng pera kay Madam Wah.

Sinabi naman ni PAOCC chief, Usec Gilbert Cruz, maha­laga ang testimonya ng witness dahil personal knowledge ito.

Matatandaang naaresto si Lin Xunhan sa isang subdibisyon sa Biñan, Laguna nitong Miyerkules ng gabi.

Show comments