^

Bansa

Patas na imbestigasyon sa war on drugs

Pilipino Star Ngayon

Giit ni Sen. Go sa Senado

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa Senado na magsagawa ng hiwalay na walang kinikilingan o parehas na pagsisiyasat sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga malisyosong alegasyong lumalabas sa Quad-committee hearing ng House of Representatives na nagdadawit maging sa kanyang pangalan.

Binigyang-diin ni Go na walang lugar sa isang lehitimong imbestigasyon ang mga unsubstantiated at malicious claims kaya hinihimok niya ang Senado na tiyakin ang pagiging patas at impartiality sa gagawing imbestigasyon.

Ani Go, karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan lamang kasabay ng pagtatanggol sa integridad ng administrasyon ni Duterte at sa kanyang tungkulin sa panahong iyon.

Ayon kay Go, ang pundasyon ng plataporma ni Duterte na humantong sa pagkapanalo nito bilang Pangulo ay ang paglaban sa iligal na droga at krimen. Ito ang mahalagang pangako na ginawa ni Duterte sa sambayanang Pilipino.

Sa katunayan, ang kampanya laban sa iligal na droga ay isang mahalagang punto sa bawat State of the Nation Address (SONA) mula 2016 hanggang 2021 na tumanggap ng malawak na suporta at umani ng standing ovation mula sa mga mambabatas.

Idinepensa ni Go si Duterte na bilang isang abogado at dating taga-usig, ay hindi kailanman kinukunsinti ang mga labag sa batas na pagpatay.

Maraming beses na aniyang sinabi ng dating Pangulo na ang kanyang administrasyon ay hindi kailanman nagbigay ng sanction o nag-utos sa anumang uri ng walang kabuluhang pagpatay.

Nilinaw din ni Go na ang kanyang tungkulin noon bilang Special Assistant to the President (SAP) ay limitado at walang kinalaman sa mga operasyon ng pulisya.

“As stated in the ­Executive Order making my position, my functions are limited to scheduling, appointments, and presidential engagements. Hindi kasama sa mandato ko ang police operations,” paliwanag ni Go.

Wala rin aniyang kinalaman ang kanyang opisina sa operasyon at organisasyon ng pulisya at hindi rin siya humahawak ng opisina ng Pangulo dahil hindi ito parte ng kanyang tungkulin noon.

Ikinalungkot ni Go ang kasalukuyang pamumulitika sa imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with