MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang tatlong araw na 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Laos.
Sa arrival statement ng Pangulo sa Villamor Air Base, sinabi nito na naging produktibo ang kanyang pagdalo sa nasabing mga pagtitipon kung saan isinulong niya ang interest, soberenya at hurisdiskyon ng bansa sa West Philippine Sea nang naayon sa banta.
“I reaffirmed that the Philippines will continue to defend our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea, in accordance with international law,” pahayag pa ng Pangulo.
Mas pinalakas din aniya ng PIlipinas ang partnership sa ibang bansa na mayroong iisang values at commitment para sa kapayapaan at rule of law.
Iniulat din ni Marcos na napagkasunduan ng ASEAN leaders na magtulungan para mai-promote ang sustainable agriculture para makamit ang long-term food security, at pagsuporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), at sa digital transformation ng ibat ibang ekonomiya.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa Lao PDR dahil matagumpay na chairmanship ng ASEAN ngayong taon.