^

Bansa

Bato kakasuhan ni De Lima

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balak ni dating senador Leila de Lima na kasuhan si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ang pahayag ni Dela Lima ay ginawa matapos na ibunyag at aminin ng umano’y drug dealer na si Kerwin Espinosa na inutusan siya ni Dela Rosa na idawit ang dating senador sa ilegal na droga.

Ayon kay De Lima sa panayam sa “Storycon” sa One News, dati pa siyang nakatanggap ng impormasyon na sangkot ni Dela Rosa sa paghahain ng kaso.

Base aniya sa natanggap niya na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources, si Dela Rosa na noo’y hepe ng PNP ay nangha-harass ng mga testigo, kabilang dito si Espinosa para idawit siya, bagamat hindi naman niya na-validate ito.

Kaya dahil sa ibinunyag ni Espinosa sa hearing sa Kamara ay plano ni De Lima na kasuhan si Dela Rosa.

Bukod kay De Lima ayon kay Espinosa, pinilit din siya ni Dela Rosa na idawit sa illegal na droga ang negosyanteng si Peter Lim.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with