^

Bansa

Walang Pinoy na nasaktan sa airstrikes ng Israel sa Lebanon - DMW

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pinoy na nasaktan sa dalawang air raid na isinagawa ng Israeli army sa Beirut, Lebanon noong Oktubre 10.

“Sa ngayon, wala tayong napapabalitaan na nasaktan o nasawing Pilipino sa mga attack sa Lebanon, whether in southern Lebanon or in Beirut,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Nasa 22 ang nasawi at 117 ang nasaktan nang tumama ang inilarawang pinaka “dead­liest” attack sa mataong lugar sa nagaganap na labanan.

Matatandaang nagpalabas ng advisory para sa Pilipino Philippine Embassy sa Beirut na iwasan ang mga lugar na Ras al-Nabaa at Noueiri dahil sa air strike.

Ayon kay Cacdac, karamihan sa 11,000 Pilipino sa Lebanon ay naninirahan at nagta­trabaho sa kabisera ng lungsod.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 570 ang nagpahayag ng kanilang interes na kusang umalis sa Lebanon, 221 sa mga ito ay nakakuha na ng mga flight mula Oktubre 12 hanggang 28.

Ang mga exit paper ng natitirang 350 ay pinoproseso na ng Philippine Embassy.

Nasa 178 Pinoy ang kinakalinga at dinala sa hotel at shelter sa Lebanon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with