^

Bansa

Meralco, may tapyas singil ngayong Oktubre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (­Meralco) ng 36 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.

Dahil sa bawas-singil, ang overall rate ng kuryente ngayong buwan ay magiging P11.7522/kWh mula sa dating P11.7882/kWh noong Setyembre.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang downward adjustment ay dulot ng pagbaba ng generation at transmission charge.

Ang bawas-singil ay nangangahulugan din na ang mga tahanang nakakakonsumo ng kuryente na 200 kwh kada buwan ay makakatipid ng P72 sa kanilang bayarin.

Ang mga nakakagamit naman ng 300 kwh kada buwan ay mababawasan ng P108 sa kanilang bayarin; P143 sa nakakagamit ng 400 kwh at P179 para sa nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with