Ban sa pag-import ng kambing mula US, inalis na ng DA

MANILA, Philippines — Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa importasyon ng bansa sa mga live goats o kambing mula sa Estados Unidos.

Ito’y matapos makumpirma ng World Organization for Animal Health (WOAH) na wala nang kaso ng Q Fever sa Amerika.

Noong Hunyo ay nagbawal ang Pilipinas ng pag-import ng mga live goats makaraang mapaulat na may Coxiella burnetti, isang bacteria na nagdudulot ng Q fever ay nakumpirma sa mga kambing na naimport mula sa  US.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na matindi rin ang paghihigpit ng Bureau of Animal Industry na naipatupad sa bansa upang huwag lumaganap ang naturang sakit sa mga hayupan sa Pilipinas.

Ang Q fever ay zoono­tic o nangangahulugan na ang mga infected animals na mayroon nito ay maaaring mailipat sa mga tao.

Show comments